Bulate.jpg

Isang Pilipinong mananaliksik sa Japan ang nakadiskubre ng pagkalat ng mga bulate sa katawan ng mga susô o kuhol na kadalasang matatagpuan sa mga tubig sa baybayin.

Sa ika-54 na episode ng Behind the Science Podcast kamakailan ay itinampok ng Marine and Earth Science Learning Hub si Sandy Rey Bradecina, isang associate professor sa Central Bicol State University na kasalukuyang kumukuha ng kanyang doctorate degree sa Kochi University sa Japan.

Sa kanyang pag-aaral na pinamagatang "Behavioral Modification by Trematodes Shaping the Distribution for Batillaria Multiformis Along Rocky Intertidal Flats", ipinaliwanag ni Bradecina ang kumplikadong siklo ng buhay ng isang partikular na parasito na tinatawag na trematode, at kung paano ito lumilipat mula sa isang organismo patungo sa isa pa.

“Ang masasabi ko lang dito, ang infection ay puwedeng mag-cause ng behavioral modification sa isang host ng parasite [trematode]. At yung behavioral modification na iyon ay maaaring mag-change ng distribution pattern ng isang snail host sa isang intertidal end,” saad ni Bradecina.

Ayon kay Bradecina, ang trematode ay isang uri ng flatworm o bulate na may kumplikadong siklo ng buhay, dahil maaari itong magpakain sa mga iba pang organismo tulad ng kuhol, isda, at ibon. Gayunpaman, sa pag-aaral, nakatuon si Bradecina sa mga kuhol.

Idinagdag pa niya na ang mga trematode ay nakasalalay sa kanilang host, at sa loob ng kanilang buhay, lumilipat sila mula sa mga kuhol patungo sa isda at mga ibon upang mabuhay.

“Kailangan niyang lumipat [host], para ma-maintain niya iyong buhay niya and then ma-reach yung adult form niya. Actually, nagiging adult form siya doon sa pinaka-final host na niya,” paliwanag ni Bradecina.

Sa pag-aaral, partikular na pinag-aralan ni Bradecina ang apat na species ng Batillaria snails, at isa na rito ang Batillaria attramentaria na kilala rin bilang Japanese mud snail. Gayunpaman, ang ganitong uri ng snail species ay hindi kadalasang matatagpuan sa Pilipinas.

Sa higit sa 1,000 na mga kuhol, sinabi ni Bradecina na halos 85 porsiyento ay nahawaan ng Cercaria batillariae––isang uri ng trematode na hindi pa tumatanda.

“Pero sa katanuyan ngayon, itong trematode na nakukuha ko, itong Cercaria batillariae na ito, hindi pa naman napapatunayan na nakaka-infect ng tao, especially sa early stage niya”, dagadag ni Bradicena.

Bukod dito, upang malaman kung ang isang kuhol ay nahawaan ng trematode, sinabi ni Bradecina na kailangang basagin ang shell at suriin kung may mga parasito, gamit ang isang mikroskopyo.

“Iyon ang challenge sa atin. Kasi walang ibang paraan, hindi mo made-detect kung infected siya o hindi sa isang tinginan lang. Kailangan mo talaga siyang ma-examine ‘yung tissue niya”, Bradicena said.

Dahil ang mga kuhol ay isa sa mga kilalang pagkain sa ilang bahagi ng bansa, sinabi ni Bradecina na may posibilidad na ang pagkonsumo ng mga ito ay maaari ring makahawa sa tao.

Gayunpaman, ipinaliwanag pa niya na hindi ito isang bagay na nakaka-alarma dahil ang mga trematode ay partikular sa mga organismong pinapasukan nila.

Dahil dito, sinabi ni Bradecina na pinaplano niyang sundan pa ang pag-aaral sa Pilipinas at tuklasin ang iba pang species ng trematodes na maaaring makahawa sa mga kuhol na nakakain sa bansa.

A screenshot of a video call

Description automatically generated

Kuhang larawan mula sa episode 54 ng Behind the Science tampoScreengrab from Behind the Science Podcast na iniere ng Marine & Earth Science Learning Hub Youtube channel noong ika-12 ng Pebrero 2025 tampok si Sandy Rey Bradecina na isang  isang associate professor sa Central Bicol State University na kasalukuyang kumukuha ng kanyang doctorate degree sa Kochi University sa Japan.