
Bukas pa hanggang Agosto 31, 2025 ang pagsusumite ng mga proposal para sa National Research Council of the Philippines (NRCP) Young Scientists Research Grant.
Layunin ng Young Scientists Research Grant na linangin ang bagong henerasyon ng mga kabataang mananaliksik sa larangan ng batayang agham, anuman ang kasarian, sa pamamagitan ng pagbibigay-suporta sa mga Pilipinong nagsasagawa ng pananaliksik sa iba’t ibang disiplina, alinsunod sa National Integrated Basic Research Agenda (NIBRA) na bahagi ng Harmonized National Research and Development Agenda (HNRDA).
Sa pamamagitan ng programang ito, pinalalakas ang batayang pananaliksik at pagbuo ng kaalaman sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng research grants at capacity development para sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang karera bilang mananaliksik.
Saklaw din nito ang mga nasa mga rehiyon, na bibigyan ng pagkakataong magpatuloy sa kanilang pananaliksik sa ilalim ng paggabay at mentorship ng isang kasapi ng NRCP.
Ang bawat matatanggap na proposal ay maaaring mabigyan ng pondo mula Php 150,000 hanggang Php 500,000 at pondo para sa Maintenance and other operating expenses, kung meron man.
Para sa buong detalye, bisitahin lamang ang https://nrcp.dost.gov.ph/call-for-proposals-young-scientists-research-grant/. (Ni Rosemarie C. Señora, DOST-STII)











21 in 2021 Technology Catalogue
DOST Innovations - Web and Mobile Applications for Disaster Risk Reduction and Management