MENU

gawad_dalumat.png

Muling inaanyayahan ng Department of Science and Technology-Technology Application and Promotion Institute o DOST-TAPI ang publiko sa ikaapat na edisyon ng Gawad Alunig x Dalumat, isang kumpetisyon na layong magtampok ng kuwento ng mga lokal na imbensyon.

Ngayong taon, nakatuon ang naturang patimpalak sa visual storytelling upang mas palakasin ang mga inobasyong Pilipino at ikonekta ang mga lokal na imbentor sa mga programa ng DOST-TAPI. Ito ay may dalawang kategorya:

  • Gawad Alunig: Ito ay magtatampok ng mga maiikling porma ng komersyal na nagpapakita ng mga teknolohiyang gawang-Pinoy. Ang bawat lahok ay dapat magpakita ng pagkamalikhain sa advertising na makahihikayat ng suporta mula sa komunidad.
  • Gawad Dalumat: Magtatampok ito ng mga photo essay o mga talang may larawan ng mga inobasyong Pinoy. Sa pamamagitan ng mga makabuluhang larawan at salita, ang bawat lahok ay dapat magpakita ng malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa lokal na galing.

Sino ang Maaaring Sumali?

Ang mga nagnanais na sumali ay inaanyayahang bumuo ng isang grupo na may tatlong miyembro lamang, pawang mga Pilipino at kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas, at nasa hustong gulang pataas sa oras ng kanilang pagsusumite. Maaaring sumali ang isang grupo sa parehong kategorya.

Ang Premyo para sa mga Mananalo

Ang magwawagi sa Gawad Alunig ay makatatanggap ng PHP 75,000 kasama ang medalya at sertipiko habang ang sa Gawad Dalumat naman ay PHP 60,000 na may kasama ring medalya at sertipiko.

Makakatanggap rin ng cash prizes at sertipiko ang itatanghal na una at ikalawang karangalan, tatlong karangalang banggit, at Gawad Pili ng Bayan o People’s Choice Award para sa bawat kategorya.

Pinapaalalahanan lamang na ang mga tauhan ng DOST-TAPI, maging ang kanilang mga kamag-anak hanggang ikaapat na antas ng consanguinity o affinity, ay hindi maaaring sumali.

Ang deadline ng pagsumite para sa mga lahok ng Gawad Alunig x Dalumat ay sa Nobyembre 24, 2025, 11:59 PM.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang website ng DOST-TAPI sa www.tapi.dost.gov.ph, mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., o tumawag sa (02) 8582 1450 loc. 2167. Maaari ring sundan ang DOST-TAPI sa Facebook: www.facebook.com/DOST.TAPI.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang opisyal na gabay para sa patimpalak sa link na ito: bit.ly/GAxD2025Guidelines (Ni Rosemarie C. Señora, DOST-STII)

#GawadAlunigxDalumat #DOSTTAPI #FilipinoInnovations