MENU

Inaprubahan ng Department of Science and Technology-Region IX (DOST-IX) ang pagbibigay ng pondo sa isang rice mill sa Zamboanga Sibugay na nagkakahalaga ng PhP750,000.

Ito ay sa pamamagitan ng Small Enterprise Technology Upgrading Program o SETUP, isa sa mga pangunahing programa ng DOST na nagbibigay ng tulong pinansyal at teknikal sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs).

Dahil sa binigay na pondo ng DOST-IX, maaari nang makapag-prodyus ang mga makina sa rice mill ng sampung sako ng palay kada oras na may bigat na 60kg kada sako o katumbas nang 14 na sako ng bigas (25kg kada sako).

Dahil tulong-pinansyal na ito ay magkakaroon na sila ng sariling rice mill engine. Ayon kay Rogelio Nastor, may-ari ng Rogelio Rice Milling, sa loob ng limang taon ay nakakakuha lamang sila ng dryer at rice milling service sa pamamagitang ng pag-outsource sa katabing barangay.

Dahil nakadepende sila sa schedule ng kanilang service provider, madalas din umaano na delay ang delivery sa kanila kaya bumababa ang kanilang produktibidad.

“In 2019, the price of fresh harvest palay decreased from P18.00 to P12.00 per kilo with an average of 5-10kg moisture deduction per bag. Because of the absence of a post-harvest facility, the farmers have lack of option but to sell the produce directly to the buyers,” paliwanag ni Nastor. Dagdag pa niya, pinapayagan din nila ang ilang local na magsasaka sa kanila na gilingin ang palay na napo-prodyus nila sa mas mababang presyo, 

Bukod pa rito, dinisenyo rin ang kanilang rice mill upang maabot ang minimum na requirement na kailangan ng isang pamilya na katumbas ng isang sako ng palay.  

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa (062) 991-1024 (Regional Office) / (062) 955-0825 (PSTC-Sibugay)o i-text ang 0917 8494 214, o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o bisitahin ang kanilang Facebook page www.facebook.com/DOSTRegion9(Ni Jasmin Joyce P. Sevilla, DOST-STII at impormasyon mula kay Francis Melanie Temonio, DOST-IX)