MENU

Sa tulong ng programang SETUP o Small Enterprise Technology Upgrading Program, nabigyan ng pagkakataon ang Paras Rice and Corn Mill, isang agri-based firm sa Siay, Zamboanga Sibugay, na maisaaayos at mapataas ang kalidad ng kanilang produksyon.

Nagkakahalagang PhP 1.38M ang ikalawang grant na ibinigay ng programa sa agricultural firm sa pagtutulungan ng Department of Science and Technology (DOST)-Region IX at ng Provincial Science and Technology Center (PSTC)-Zamboanga Sibugay.

Muling kumuha ng assistance ang Paras Rice and Corn Mill sa SETUP para naman sa paggamit ng rice grains mechanical dryer matapos itong lumabas na isang opportunity for improvement (OFI) base sa technology assessment na isinagawa ng PSTC-Zamboanga Sibugay.

Ang mechanical dryer ay isang equipment na makatutulong sa pagtanggal ng tubig sa wet grains sa pamamagitan ng pag-pwersa sa mainit na hangin sa grain bulk.

Nauna nang nabigayan ang agricultural firm ng mechanized harvester na nagkakahalaga nang PhP 1.58M sa tulong pa rin ng SETUP. Sa pamamagitan nito, mas napabilis ang kanilang pag-ani. Kung dati ay isang hektarya lamang kada araw ang kanilang natatapos, ngayon ay umaabot na sa 3.5 hektarya ang kanilang naaani kada araw.

Sa kasalukuyan, mayroon na silang 13 empleyado, ngunit sa mga parating na equipment, plano nilang magdagdag ng tatlo pang empleyado.

Ang SETUP ay isa sa mga programa ng DOST na tumutulong sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) upang mapataas ang kalidad ng kanilang produksyon sa pamamagitan ng tulong-teknikal at pinansyal at pagbibigay ng naaayong teknolohiya, S&T training, consultancy service, at iba pa.

Para sa karagadagang impormasyon, maaaaring tumawag sa (062) 991-1024/ (062) 955 0825, at hanapin si PSTC-Zamboanga Sibugay Director Jennifer A. Pidor, o mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o bisitahin ang Facebookk page www.facebook.com/DOSTRegion9. (Ni Jasmin Joyce P. Sevilla, DOST-STII at impormasyon mula kay Carlo Syl L. Quinte, DOST-IX)