Nagdebelop ang Department of Science and Technology (DOST)-Region XI ng isang aplikasyon na kung saan magpapadala ito ng mga paalala o notification para sa mga lokal na indibidwal na naka-iskedyul para sa ikalawang dose ng kanilang bakuna.
Tinatawag itong DOSTex App na isang messaging platform na kung saan may kakayahang maghatid ng maramihang maiksing mensahe sa mga indibidwal na mayroong cellular phone. Kasalukuyang ginagamit ito ng ARENA XI Cluster Vaccination Team at sa pamamagitan ng DOSText app, mabilis na nabibigyan ng impormasyon ang mga nasa komunidad.
“DOST XI deals with customers on a regular basis and communicates important notifications in a timely manner. This was the reason why DOSText was developed. It can send up to 200 messages per minute and can be installed in any Windows PC (Windows 7 and above),” ayon kay DOSText developer Louie G. Simbajon, Project Assistant II mula sa DOST Region XI.
Pagbabahagi ni Simbajon, nag-umpisa siyang buuin ang ideya at pagbuo ng nasabing app nito noong katapusan ng Hunyo hanggang unang linggo ng Hulyo. Upang masubukan kung epektibo nagsagawa siya ng mga simulation activity mula ika-17 hanggang ika-18 nang Hulyo nagsimula siyang magpadala ng notifications noong ika-27 nang Hulyo 2021.
Gumagana ang DOSText sa pamamagitan nang pag-install ng app sa computer. Matapos ma-install, ang maaaring makapag-log in para magamit ito. Ilan sa mga mahalagang impormasyon na hihingin sa mga indibibwal na gagamit nito ay pangalan; mobile number; at group ID.
Ayon kay Simbajon, may dalawang paraan para mailagak ang mga impormasyon ng mga indibidwal sa sistema ng app. Una ay sa pamamagitan ng manual encoding at ang pangalawa ay sa pamamagitan pagkuha o pag-import mula sa isang Excel file na kung saan awtomatikong malalagak sa sistema ng app ang mga pangalan na nakasulat doon.
“DOSText is a messaging platform that allows our government employees to conveniently receive text message schedules and reminders to get their second dose of COVID19 vaccine. Coordinating the distribution of vaccines and disseminating the information schedule poses a challenge during the vaccination rollout. To address this, we developed DOSText to quickly and effectively communicate with our vaccinees. Ensuring that our government workers receive their second dose within the recommended schedule is very important in order for us to achieve herd immunity,” sabi ni ARENA XI President at DOST XI Regional Director, Dr. Anthony C. Sales.
Ang DOST XI, katuwang ang mga institusyon kagaya ng University of Southeastern Philippines, University of the Philippines Mindanao, at Philippine Regional Police Office XI, ang nangunguna sa koordinasyon ng ARENA Resbakuna para sa mga empleyado ng gobyerno sa lungsod ng Davao, Sa kasalukuyan, nakapagbigay na ng 8,093 na unang dose ng bakuna sa mga empleyado ng gobyerno mula sa tatlong ARENA Resbakuna Vaccination sites. (Ni Allan Mauro V. Marfal, DOST-STII at impormasyon mula sa DOST XI S&T Information and Promotion)