MENU

Baguio City—Upang masolusyunan ang kakulangan sa tubig at mabawasan ang pagbaha sa lungsod, inilunsad kamakailan ng Department of Science and Technology-Cordillera Administrative Region (DOST-CAR). Lokal na Pamahalaan ng Baguio, at ng Department of Environment and Natural Resources-Ecosystems Research and Development Bureau (DENR-ERDB).

Ang proyekto na isang bahagi ng “Program Boondock: A Mountain Engineering Center Towards Sustainable Infrastructure and Upland Water Security,” ay may kabuuang pondo na PhP 10 million na kung saan ang PhP 7.5 million ay nagmula sa DOST Science for Change Program (S4CP) Niche Centers in the Regions (NICER) for Research and Development at PhP 2.5 million naman mula sa Baguio City.

Para sa bahagi nito, ang DOST-CAR, sa pakikipag-ugnayan sa Watershed and Water Resources Research, Development and Extension Center (WWRRDEC)- isa sa mga research center ng DENR-ERDB- ay mag-aabot ng teknikal na tulong at magtataguyod ng mga aktibidad upang mapagbuti ang nasabing proyekto.

Sa pamamagitan nitong proyekto ay maraming buhay ang mapoprotektahan kabilang na ang mga kabuhayn at ang kalikasan ng Cordillera maging ang kahalagahan ng tubig sa pagsusulong ng kabuhayan ng mga tao at pagpapanatili ng kalikasan. (Ni Joy M. Lazcano, DOST-STII at impormasyon mula sa DOST-CAR)