Anim na bagong Niche Centers in the Regions (NICER) for R&D ang inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) na may layong palakasin ang pag-unlad ng mga rehiyon sa bansa hanggang makaabot ang mga ito sa pandaigdigang pamantayan.
May tinatayang budget na P208,861,783.92, ang naturang mga center ay matatagpuan sa ilang mahuhusay na unibersidad sa bansa.
Sa virtual press conference na pinangunahan ng DOST-Office of the Undersecretary for Research and Development (OUSEC-RD) na may pamagat na “Regional Resiliency: Equipping Agriculture for the Future,” inilunsad ang bagong mga NICER na pawang may kinalaman sa agriculture, aquatic, and natural resources o AANR.
Sinabi ni DOST Secretary Fortunato T. de la Peña na dapat pakinabangan ang mga yamang matatagpuan sa 17 rehiyon sa bansa – na makagawa ng trabaho at maging kabuhayan ng marami sa ating kababayan. Ngunit para tuloy-tuloy na mapakinabangan ang mga natural na yaman na ito, kailangan munang masiguro na mapangangalagaan ang mga ito – na siyang mismong layunin ng NICER.
Through the NICER centers, our local products and commodities will be nurtured and developed, and in turn, boost the regional economy,” dagdag niya.
Ani naman ni DOST Undersecretary for Regional Operations Sancho A. Mabborang, isa lamang ang NICER sa maraming inisyatibong inilunsad ng DOST, sa tulong ng regional offices nito, na ang hangad ay mapabilis ang pag-unlad ng mga rehiyon.
“Having an approved NICER is a prestige for institutions –an acknowledgement of the R&D strength, competence, and track record of the engaged institutions along the identified R&D.”
Ang programa ng NICER ay nagpapalakas ng kapasidad ng higher education institutions o HEIs sa mga rehiyon sa pananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga institutional grant upang mapaunlad ang kanilang science and technology infrastructure.
Ang unang tatlong NICER na inilusad ay may kinalaman sa Crops R&D – ang Garlic and Other Agri-Food Condiments R&D Center, Queen Pineapple R&D Center, at ang Center for Cacao R&D.
Ang Garlic and Other Agri-Food Condiments R&D Center, na matatagpuan sa Mariano Marcos State University (MMSU) sa Ilocos, ay may layong magbigay ng S&T interventions upang mabuhay ang lumiliit na industriya ng bawang. Patuloy ang pag-aaral ng naturang center upang mapaunlad ang genetic resources at productivity ng bawang sa pamamagitan ng pagdebelop ng isang integrated crop management system – na siyang makatutulong upang mapaunlad ang pag-cure at pag-iimbak ng bawang sa Pilipinas.
Sa Camarines Norte State College (CNSC) naman matatagpuan ang Queen Pineapple R&D Center na siyang magsasagawa ng komprehensibong pananaliksik upang maisulong ang productivity at marketability ng Queen Pineapple. Magdedebelop din ang Center ng software para sa pest detection, classification, and crop protection management systems.
Ang Center for Cacao R&D naman na matatagpuan sa University of Southern Mindanao (USM) ay tututok sa pagpapataas ng produksyon ng cacao sa pamamagitan ng pagpaparami at paggamit ng Quality Planting Materials o QPMs. Ang naturang proseso ay inaasahang magpapaunlad ng local cacao gene bank at post-harvesting processes upang makagawa ng mas magandang klase ng cacao beans na makatutulong na maragdagan ang kita ng magsasaka ng mula 30 hanggang 40 porsyento.
Ang NICER naman na may kinalaman sa paghahayupan ay ang Native Chicken R&D Center na matatagpuan sa Western Mindanao State University (WMSU). Layon naman nito na mapabilis ang produksyon ng mataas na kalidad ng lahi ng mga manok sa pamamagitan ng enhanced breeding, feeding, at production management strategy na angkop para sa mga native na manok.
Ang Bamboo R&D Center naman na matatagpuan sa Central Mindanao University (CMU) ay may layong makagawa ng intervention para sa quality standards and processing protocol ng gawang-lokal na kawayan. Layon din nitong ma-establish ang bamboo economic value chain at geo-databases ng bamboo resources at enterprise; makahanap ng iba pang gamit ng kawayan para sa sustainable development, climate change resilience, at adaptation; at ma-evaluate ang paglaki at pag-survive ng ilang specie ng kawayan na nakatanim sa abalang mga lugar.
Ang pang-anim at huli ay ang NICER on Cave Ecosystems Research na matatagpuan sa University of the Philippines – Los Baños na maglulunsad na pananaliksik sa biodiverty ng terrestrial vertebrates at invertebrates tulad ng ibon, mamal, ampibyan, reptayl, at susong matatagpuan sa lupa na naninirahan sa ilang piling kweba at karst na lugar gamit ang ilang field technique upang makakuha ng baseline data na mahalaga para sa management ng cave biodiversity.
“Through the NICER R&D Centers, we hope to promote regional resiliency by providing small-scale farmers with S&T-based aquaculture systems, livestock systems, crop production, and integrated farming systems,” sabi ni DOST Undersecretary for R&D Rowena Cristina L. Guevara.
“R&D enables us to support more farmers and encourage young agripreneurs to take advantage of opportunities for innovation and contribute to the continued economic growth of the country.” (Ni Rosemarie C. Señora, DOST-STII at impormasyon mula kay Gretchelle A. Araneta, DOST IX)