MENU

Sa pagbabago ng panahon dulot ng teknolohiya, nag-level up din ang serbisyo ng Small Enterprise Technology Upgrading o SETUP bilang SETUP 4.0.

Ito ang pinakahuling pangyayari na ibinahagi ng Department of Science and Technology Regional Office VI (DOST VI) sa ginanap na diskusyon sa mga kumpanyang kabilang sa industriya ng Health and Wellness (H&W).

Ang SETUP ay ang flagship program ng DOST na tumutulong sa mga Small to Medium Enterprise (SME) na mapagbuti ang kanilang produkto sa pamamagitan ng mga tulong sa pamamagitan ng “capacity and technology upgrading.”

At sa paglevel-up ng global industrial revolution na tinawag na Industrial Revolution 4.0, naglevel-up din ang serbisyo ng nasabing programa sa pamamagitan ng SETUP 4.0. Ang pagtaas ng antas ng serbisyo, mabibigyan na ng pansin ng DOST ang industry-level assistance na kinabibilangan ng pagkakaroon ng Science and Technology roadmap para sa development ng mga industriya sa bansa.

Ang diskusyon sa paggawa ng industry roadmap para sa H&W sa rehiyon ay pinangunahan ng DOST VI.

Sa kasalukuyan, ang H&W ay binubuo ng apat na subsector na kinabibilangan ng pharmaceuticals (generic drug), herbal drugs, functional food, at food supplements and personal care products.

Upang masimulan ang paggawa ng roadmap ay nagkaroon ng focus group discussion (FGD) sa pangunguna ng DOST VI kabilang ang sa pharmaceuticals subsector.

Sa nasabing FGD, ibinahagi ng mga resource speaker ang kanilang karanasan at mga panukala hinggil sa subsector.

Ilan sa mga speaker ay kinabibilangan nina Vice President of EL Laboratories, Inc. Ms. Maria Rosario B. Barangan, President of the Federation of Asian Pharmaceutical Associations Dr. Yolanda R. Robles, President and Chairman of the Board of Hygieian Institute for Education, Research and Training, Inc. Ms. Leonila M. Ocampo, Business Development Manager of Lloyd Laboratories, Inc, Mr. Sonny Bob Cardinal, at Vice President of Maridan Industries, Inc., Mr. Jan Vincent N. Sollesta.

Ayon sa diskusyon, ibinahagi ng mga industry player ang kanilang opinyon sa hinggil sa antas ng paggamit ng teknolohiya upang mapagbuti ang mga produkto at serbisyo. Isa sa isyu na lumabas sa diskusyon ay ang pagpapabuti ng pagproseso ng certificate of product registration.

Dagdag pa rito ay ang mga kaakibat na mga programa at serbisyo na maaaring isagawa upang mas mapagbuti ang antas ng produkto ng industriya sa pandaigdigang merkado. (Ni Joy M. Lazcano ng DOST-STII at impormasyon mula sa DOST-VI)