MENU

Animapung (60) indibibwal mula sa food enterprises, kooperatiba, asosasyon ng mga magsasaka, at mga ahensya ng pamahalaan ang dumalo sa isinagawang Technology Opportunity Seminar (TechOps) on Vacuum-Freeze Drying Facility noong ika-02 ng Setyembre 2021 sa pamamagitan ng Zoom.

Pinangunahan ito ng Department of Science and Technology- CALABARZON, sa pamamagitan ng kanilang Provincial Science and Technology Center (PSTC) sa Cavite, ang naturang aktibidad na naglalayon ipakilala ang mga napapanahong inobasayon sa larangan ng pagnenegosyo.

Si Dr. Adeliza A. Dorado, associate professor mula sa University of the Philippines- Los Banos, ang nagsilbing resources speaker kung saan ibinahagi niya ang iba’t ibang kaalaman sa operasyon ng vacuum freeze-dryer sa loob ng tatlong oras na webinar.

Ilan sa binigyan-diin niya na ang mahabang oras ng proseso at mataas na presyo ng operasyon ay bilang “weights” o disadvantages of technologies. Sa kabilang banda, ang preservation, longevity of shelf life at hygroscopicity ay itinuturing na pulls or kalamangan hatid ng teknolohiya

Samantala, sa ginanap na open forum, binigyan-tugon ni Dr. Dorado ang katanungan ng mga dumalo hinggil sa paggamit ng vacuum freeze-dryer. Ayon sa kanya, napapanatili ng teknolohiya ang nutrient content ng mga prutas at gulay na inilalagay sa proseso ng vacuum freeze-drying kumpara sa ibang drying methods kagaya ng air o sun-drying.

Nagpakita naman ng interes ang Municipal Agriculture Office of General Emilio Aguinaldo “Bailen”, Cavite at Cavite Office of the Provincial Agriculturist sa pag-adopt ng naturang teknolohiya para sa kanilang mga magsasaka. Ayon kay Matthew Henry G. Camitan ng DOST-Cavite na magiging possible ito kung mag-aaplay sila para sa DOST Grants-in-Aid (GIA) Program.

Para sa karagdagang impormasyon sa vacuum freeze-drying at iba pang inobasyon sa larangan ng Siyensya at Teknolohiya at paano ito makakatulong sa inyong pagnenegosyo at pamumuhay, maaaring magpadala ng mensahe sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o kaya sa opisyal na Facebook Page ng DOST-Cavite. (Ni Allan Mauro V. Marfal ng DOST-STII at impormasyon mula kay Krizzia Mei C. Esperanza ng DOST-Cavite)