Matagumpay na naipamahagi ng Department of Science and Technology (DOST)-Region V ang mahigit 2,500 na Ready-to-Eat (RTE) Arroz Caldo sa mga bayan ng Viga at Pandan sa Catanduanes noong nakaraang ika-19 ng Nobyembre 2021.
Nagbigay din ang nasabing regional office ng 4,680 packs ng Rice-Mongo-Sesame Blend for Complementary Feeding sa 39 na mga batang may matinding kakulangan sa timbang sa Pandan, Catanduanes bilang tugon ng Community Empowerment thru Science and Technology (CEST) Program sa Disaster Risk Reduction Management.
Ang mga RTE Arroz Caldo na agarang makakain sa oras ng sakuna ay kabilang sa mga food packs na ipinamahagi sa mga pamilyang naapektuhan tuwing may kalamidad habang ang Rice-Mongo-Sesame Blend for Complemetary Feeding naman ay kabilang sa Health and Nutrition Intervention ng programa na layuning mapataas ang estadong pangkalusugan ng mag batang may mababang timbang sa nabanggit na lugar.
Para sa karagdagang impormasyon sa mga kaganapan at aktibidad, maaaring magtungo sa NSTW website na http://nstw.dos.gov.ph/ at sa kanilang
Facebook page, https://web.facebook.com/nstwdost.
Ang NSTW Virtual Celebration ay ginanap noong nakarang ika-22 hanggang 28 ng Nobyembre kung saan nagkaroon ng iba't ibang online activities tulad ng mga webinar, virtual exhibits, at display ng S&T knowledge products para ipakita ang pinabagong teknolohiya, programa at serbisyo sa publiko ng DOST. (Ni Jerossa Dizon, DOST-STII at impormasyon mula kay Murvi S. Cua, DOST-STII)