MENU

Tumanggap ng tatlumput pitong yunit ng kompyuter na may naka-instol na STARBOOKS ang ilan sa mga benepisyaryo mula sa ikalawang distrito sa North Cotabato.

Ang pagkakaloob ng kumpletong yunit ng STARBOOKS ay naganap matapos ang pirmahan ang Memorandum of Understanding (MoU) sa pagitan ng Department of Science and Technology (DOST) Regional Office No. XII at ikalawang distrito ng North Cotabato noong Enero 17, 2022 sa Boylyn Pensione Plaza, Kidapawan City.

Ayon kay DOST XII Regional Director Sammy Malawan na ang ilan sa mga tumanggap ng kompyuter yunit na may STARBOOKS ay mula sa mga Local Government Units/ End Local Communist Armed Conflict (LGUs/ELCAC) na mga barangay, mga lokal na silid-aklatan, paaralan kabilang ang Madrasas na isang Islamic na paaralan.

Ang STARBOOKS o Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosks ay dinebelop ng mga eskperto mula sa Department of Science and Technology-Science and Technology Information Institute (DOST-STII).Ito ang kauna-unahang “digital science library” sa bansa, na naglalaman ng local at foreign S&T resource material mula text, video, at audio format, journal, technology material,hanggang sa mga livelihood video at hindi kinakailangan ng koneksyon sa internet upang mabuksan ang mga nilalaman nito.

Binigyan-diin ni Reg.Dir. Malawan na ang STARBOOKS ay hindi lamang nirerekomenda para sa mga estudyante, mananaliksik ngunit dinesenyo rin ito para sa mga imbentor, negosyante, at lahat ng sektor na naghahanap ng mahahalagang impormasyon at kaalaman.

“This technology will give the opportunity to everyone to be more competitive”, sabi ni Bise-Gobernador ng North Cotabato Emmylou Taliño-Mendoza.

Hinikayat ni Bise-Gobernador Mendoza ang lahat na bigyan ng importansya ang mga tulong na ipinagkakaloob ng DOST sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastraktura upang suportahan ang mga teknolohiya na ito na maghahatid ng mahahalagang impormasyon at kaalaman.

“As we [DOST] bring benefits of S&T closer to the people in the countryside, to your respective constituents, we are glad that we have supportive congressional, provincial and local government units in the Province of North Cotabato”, dagdag ni Reg. Dir. Malawan.

Samantala, ibinahagi naman ni DOST North Cotabato Director Michael Mayo na magsasagawa sila ng pagsasanay hinggil sa paggamit ng STARBOOKS sa lalong madaling panahon. (Ni Allan Mauro V. Marfal, DOST-STII at impormasyon mula sa DOST Regional Office No. XII)