MENU

Bilang paghahanda sa parating na pambansang halalan ngayong Mayo, sumailalim sa certification program ng Department of Science and Technology Region IX ang mga naatasang maging bahagi ng Electoral Board sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula. 

Naganap ang mga sumusunod na certification program noong Marso 1 hanggang 20 sa Milbang Hotel Sta. Filomena, Dipolog City, Zamboanga Del Norte; Marson 2 hanggang 25 sa Chandler Suites, F.S. Fajares Ave., Gatas District, Pagadian City, Zamboanga Del Sur; Marso 1 hanggang 24 sa Roderic’s Resort, Brgy. Taway, Ipil Zamboanga Sibugay; at sa Marso 1 hanggang 18 sa Grand Astoria Hotel, Major Jaldon St. Zamboanga City.

Umabot sa 7,662 na Electoral Board Members o EBMs sa nasabing rehiyon kung saan binubuo ito ng mga guro mula sa Department of Education (DepED) na pinili base sa kriterya na nangaling mula sa Commission on Election o COMELEC. 

Samantala, nasa 14 na DOST certifiers ang tumutok sa nasabing programa sa apat na probinsya sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula. 

Sa kabuuan ng isinagawang certification program, sinigurado ng DOST IX na sinunuod ang mga minimum health and safety protocols. 

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa DOST IX sa mga sumusunod na detalye: (062) 991-1024, This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., at www.facebook.com/DOSTRegion9. (Ni Allan Mauro V. Marfal, DOST-STII at impormasyon mula sa DOST IX)