“Bagong araw, bagong pag-asa.”
Hango sa institutional jingle ng Department of Science and Technology- Technology Application and Promotion Institute (DOST-TAPI), ang “Makabagong Pilipino”, sa pamamagitan ng Corporate Communication Unit ng ahensya, ay naglalayong paigtingin ang adbokasiya ng DOST-TAPI.
Bida sa kampanyang ito ng DOST-TAPI ang iba’t ibang kwento at nagawa ng mga naging benepisyaryo ng ahensya sa siyensya, teknolohiya, at inobasyon sa kabila ng mga pagsubok nitong nakaraang dalawang taon.
Ang “Makabagong Pilipino” ay kampanya ng DOST-TAPI upang ipakita ang iba’t ibang mukha sa likod ng mga naging benepisyaryo ng ahensya.
Inilunsad ang “Makabagong Pilipino” kasama si Jeremy de Leon, chief executive officer (CEO) at founder ng JereMAKE, home of the Make-roscope keychains.
Ang Make-roscope ay gawa sa microspcope lens na kasukat ng keychain. Ito ay isa lamang sa maraming teknolohiya na pinondohan ng DOST-TAPI.
“Sobrang laki ng impact ng services ng DOST-TAPI dito sa Make-roscope. Because of DOST-TAPI, nagkaroon tayo ng partnerships sa iba,” paliwanag ni de Leon sa unang episode ng “Makabagong Pilipino”.
Ayon pa sa kaniya, ang mga programa ng DOST-TAPI ay importante para sa mga nagsisimulang imbentor kagaya niya dahil para sa kaniya, wala pa siyang reputasyon sa industriya.
Si Jeremy de Leon at founder at CEO ng JereMAKE na pinondohan ng Invention-Based Enterprise Program ng DOST-TAPI.
Kasunod ni de Leon ay si Arnold Janssen Gallardo na 2021 Science Youth Fest Ambassador at Outstanding Student ng San Beda College Alabang, mahusay sa larangan ng matematika at siyensya, at nangangarap na pagsilbihan ang publiko sa pagiging isang doktor.
“Science youth fests like the one organized by DOST-TAPI would enable student leaders to learn more, be updated, and be engaged in relevant topics concerning science and technology,” pahayag ni Gallardo.
Si Arnold Janssen Gallardo ang Science Youth Fest Ambassador ng DOST-tapi noong 2021.
Ayon pa kay Gallardo, mahalaga na may mga science festival na hindi lang para sa mga siyentista at eksperto kung hindi para rin sa kabataan kung saan nakasalalay ang kinabukasan ng mundo.
Kamakailan, naging bahagi si Cropital para sa episode ng “Makabagong Pilipino” sa buwan ng Hunyo kung saan ipinakilala ang founder at CEO nito na si Ruel Amparo.
“Cropital is an organization that supports some smallholder farmers in both financing and marketing. From the name itself, it’s a combination of crop and capital. So really, our root problem that we’re trying to solve is financing for smallholder farmers,” paliwanag ni Amparo.
Si Ruel Amparo ang CEO at founder ng Cropital na pinondohan ng TECHNiCOM Program ng DOST-TAPI.
Para sa karagdagang impormasyon kina about Jeremy De Leon, AJ Gallardo, and Ruel Amparo, maaaring mapanood ang “Makabangong Pilipino” sa Facebook page ng DOST-TAPI.
Abangan ang bagong episode tuwing Huwebes. (Ni Jasmin Joyce P. Sevilla,DOST-STII at impormasyon mula kay Mirielle V. Vacal, DOST-TAPI)