MENU

Maaari nang makakuha ng libreng training courses ang mga forestry professionals na nagnanais magkaroon ng Continuing Professional Development (CPD) units na sa pangunguna ng DOST – Forest Products Research and Development Institute (FPRDI).

Ang mga sumusnod ang CPD training-webinars ng DOST-FPRDI ngayong taon:

  • August 18: Physical and Mechanical Properties of Wood and Non-Wood Forest Products (Level 1)
  • August 25: Physical and Mechanical Properties of Wood and Non-Wood Forest Products (Level 2)
  • October 13: Lumber Kiln Drying: Theory, Operation, Practices (Level 1)
  • October 20: Lumber Kiln Drying: Kiln Operation and Quality Control (Level 2)

Simula 2019 ay nagsasagawa na ng mga kurso tungkol sa iba’t ibang wood and non-wood technologies ang naturang institusyon na nilahukan ng higit 500 katao at nito lamang Mayo ay na-renew ng Professional Regulatory Commission (PRC) ang accreditation ng DOST-FPRDI bilang CPD provider na tatagal hanggang sa 2025.

Mahalaga ang CPD units sa mga forester dahil isa ito sa mga kinakailangan nila upang makapag-renew ng professional licensure cards. 

Ang forester o manggugubat ay isang dalubhasa maalam sa pagtatanim, na siya ring nangunguna sa pangangasiwa at pangangalaga ng kagubatan.

Isa lamang ang CPD training-webinars sa maraming programa ng DOST – FPRDI para sa tuloy-tuloy na pagbibigay ng technical services sa mga forest-based at allied sectors dito sa bansa. (Ni Jerossa J. Dizon, DOST-STII at impormasyon mula kay Apple Jean C. Martin- de Leon, DOST-FPRDI)