MENU

Naglunsad ng dalawang araw na research proposal writeshop ang Department of Science and Technology (DOST) Project Management Office para sa kanilang Science For Change Program (S4CP), katuwang ang DOST-MIMAROPA mula ikawalo hanggang ikasiyam ng Agosto 2022 sa Palawan State University at Mindoro State University, ayon sa pagkasunod-sunod. 

Ang DOST-MIMAROPA at mga State Colleges and Universities (SUCs) sa nasabing rehiyon ay nagtutulungan upang matukoy ang mga industriya na maaaring paunlarin sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa larangan ng Siyensya at Teknolohiya. Sa nakalipas na taon, maraming inisyatibo ang isinagawa sa rehiyon. Ilan sa mga ito ay mga provincial and regional stakeholder consultations at technopreneurship capacity-building workshops sa mga natukoy na research priority areas. 

Layunin ng pagsasanay na ito ay magabayan ang mga unibersidad at pribadong kumpanya sa MIMAROPA na makabuo ng R&D proposals na maaaring pondohan at suportahan ng DOST. Maituturing din na paghahanda ito para nakatakdang DOST S4CP Call for Proposals na tatakbo mula Setyembre hanggang Oktubre 2022. 

Ninanais ng programang Science for Change Program ng DOST ay paunlarin ang mga industriya sa pamamagitan iba’t ibang inisyatibo sa larangan ng R&D. Binubuo ito ng apat na sub-programs. Ito ay Niche Centers in the Regions for R&D (NICER), R&D Leadership (RDLead), Collaborative R&D to Leverage PH Economy (CRADLE) for RDIs and Industry, at Business Innovation through S&T (BIST) for Industry. 

Inaasahan na sa pamamagitan ng isinagawang writeshop, mas maraming research proposals mula sa MIMAROPA ang matatanggap sa apat na natukoy na sub-programs ng S4CP. 

Bukod dito, ay matulungan ang mga SUCs sa MIMAROPA na pataasin ang kanilang kapasidad sa pagbibigay ng solusyon sa pangangailangan ng mga lokal na negosyo sa pamamagitan ng R&D. Ilan sa mga tinutukoy na lokal na negosyo ay nakapokus sa food processing, waste utilization and reduction, wastewater treatment, renewable energy, at agriculture. 

Ilan sa mga dumalo sa nasabing writeshop ay tinutukan ang mga kasalukuyan na R&D projects na ginagawa. Ilan sa mga ito ay ang Palawan State University para sa kanilang petroleum research, Western Philippines University para sa kanilang seaweeds research, Marinduque State College para sa kanilang pag-aaral sa “Markaduke” o sa mga native pig na natagpuan sa nasabing probinsya, at Mindoro State University para sa pagdebelop ng kanilang calamansi production. 

Isa sa mga dumalo sa writeshop ay ibinahagi ang kahalagahan ng R&D sa pagpapaunlad ng iba’t ibang industriya at lugar sa bansa. 

“As a tech driven company, I am a firm believer that innovations will bring sustainable optimization of resources and efficiency, but how do you achieve that without R&D? This is where DOST shines as a bridge, connecting r&d to actual impact and Community transformation through sustainable innovations,” sabi ni John Gastanes ng Project Zacchaeus. (Ni Allan Mauro V. Marfal, DOST-STII at impormasyon mula sa DOST-MIMAROPA)

Nagkaroon ng karagdagang kaalaman ang mga lokal na researcher sa MIMAROPA sa paggawa ng R&D proposals sa isinagawang writeshop ng Science for Change Program ng DOST. (Larawan mula kay DOST-MIMAROPA)