MENU

IMG 0911

Apatnapu’t limang kilometro ang layo mula sa sentro ng syudad ng Davao, ang Taga-ibo National High School na itinayo noong 1981 ay tahanan ng humigit-kumulang 176 na mag-aaral sa elementary at higit sa isang daang mag-aaral sa junior high school, anim na guro, at isang principal.

Dahil sa layo ng eskwelahan sa kabihasnan, kulang na kulang ang mga materyales na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa naturang paaralan na itinuturing na geographically-isolated at economically-challenged. 

Kaya naman, naghandog ang Department of Science and Technology-XI ng Science and Technology Academic and Research-based Openly Operated Kiosk Stations (STARBOOKS) sa naturang paaralan na matatagpuan sa Barangay Malamba, Marilog District, Davao City.

Ang STARBOOKS, pinaiksing tawag sa Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosk Stations, ay dinebelop ng DOST-Science and Technology Information Institute upang palakasin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng agham, teknolohiya, at inobasyon. Naglalaman ito ng iba’t ibang materyales na magagamit at mababasa kahit na walang koneksyon sa internet. 

Ang naturang donasyon na STARBOOKS ay naglalaman ng 300 gigabytes ng datos na katumbas ng daan-daang libong digital science and technology resources at inilagay sa kompyuter ni G. Leandero Lucera, ang prinsipal ng paaralan, para magamit ng mga mag-aaral at guro nito.

May inihandog rin na mga ensiklopedya, diksyunaryo, at mga laruang edukasyonal mula naman sa Quota International at DOST XI. Ang mga ito ay ilalgay sa reading corner ng bawat kwarto.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Lucero sa DOSTXI para sa donasyon.

“Makakaasa kayong lahat ng ito ay magagamit sa mabuti. Ito man ang una, nawa’y ay hindi ang huli. Maraming salamat,” aniya. 

IMG 0883

IMG 0787