Sampung bagong Metals and Engineering Innovation Centers o MEICs ang pinaghahandaang itayo ng Department of Science and Technology - Metals Industry Research and Development Center o DOST-MIRDC sa buong bansa kabilang na sa Davao na itatayo sa University of Southeastern Philippines (USeP), Obrero Campus.
Ayon sa DOST-MIRDC, magbibigay ng oportunidad ang MEIC sa bawat rehiyon sa paggawa ng prototype ng iba’t ibang produkto at pagpapaunlad ng malikhaing kapasidad para sa paggawa at kaalaman sa teknolohiya.
Mula 2020, limang MEIC na ang naitayo ng DOST-MIRDC sa buong bansa kung saang ang mga institusyon kung saan ang mga ito naitayo ay nagsagawa ng inobasyon sa paggawa ng prototype ng mga kagamitan at produkto. Ang ilan sa mga ito ay handa na upang i-presenta sa technical at scientific fora at publication.
Ani ng DOST-MIRDC, angkop na lugar ang mga pampublikong unibersidad at kolehiyo o state universities and colleges (SUCs) sa bansa upang paglagakan ng MEIC dahil sa magagamit na espesyo, kaukulang empleyado, at kanilang kakayahan na maipagpatuloy ang operasyon niyo.
Sa naturang pirmahan ng Memorandum of Agreement na pinangunahan ng DOST-MIRDC, dumalo ang mga kinatawan ng mga DOST regional office at SUC mula sa rehiyon IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, IX, XI, XII, and XIII.
Ani DOST-XI Regional Director Dr. Anthony C. Sales, ang proyekto ay may layong palakasin ang gawaing pananaliksik na isinasagawa sa naturang rehiyon at makatutulong sa pagpapaunlad ng yamang-tao sa rehiyo sa larangan ng paggawa ng metal at iba pang kaugnay na larangan.
“Ang pagkakatayo ng MEIC sa USeP ay makatutulong na maipagpatuloy ang pagpapaunlad ng inobasyon sa Davao para sa masaganang buhay, sabi niya.
(Impormasyon mula sa DOST-XI S&T Information and Promotion)