MENU

A person on a projector screen

Description automatically generated

Upang matugunan ang mga hamon sa tubig sa pamamagitan ng likas-kaya at matatag na pamamahala ng mga pinagkukunan ng tubig, isinusulong ng Department of Science and Technology-XI (DOST-XI) at ng Hydrology for Environment, Life, and Police (HELP) Davao Network ang pagbuo ng sisterhood agreement sa pagitan ng Davao City at Kumamoto City, Japan.

Ang Kumamoto City, na matatagpuan sa isla ng Kyushu, Japan, ay kilala sa kaniyang malinis na groundwater. Higit 700,000 katao ang umaasa sa groundwater nito upang matustusan ang kanilang residensiyal, agrikultural, at industriyal na pangangailangan sa tubig.

Dahil sa kaniyang saganang groundwater resources, nagsasagawa ang Kumamoto City ng malawak na pag-aaral sa groundwater sa iba’t-ibang uri ng disiplina upang matiyak na ang mga saganang pinagkukunan ng groundwater ng Kumamoto Region ay tuloy-tuloy na magagamit sa mga darating pang panahon.

Katulad ng Kumamoto City, nakasalalay rin ang Davao City sa groundwater resources upang matutusan ang pangangailangan ng higit 1.7 milyong katao sa siyudad. Ang siyudad ay naghahanda rin upang magamit ang surface water para sa hinaharap.

Dahil sa magkatulad na layuning patibayin ang pagsisikap sa pangangalaga ng katubigan, ang potensiyal na sisterhood partnership ay magbibigay ng kapwa kapaki-pakinabang na paglalakbay tungo sa sustainability at resilience.

Sa ginanap kamakailan na Davao City Water Summit, ipinakita ni Kumamoto City Mayor Kazufumi Onishi ang iba’t ibang hamon na hinaharap ng syudad ng Kumamoto sa pangangasiwa ng katubigan gaya ng pagkaubos ng tubig at lugar na laging binabaha, na sinusubukan naman nilang lutasin sa pamamagitan ng sari-saring inisiyatiba sa ilalim ng komprehensibong Regional Groundwater Conservation Program.

Ibinahagi rin ng Kumamoto City Mayor ang kanilang mga nakagawian sa likas-kaya at matatag na pamamahala ng pinagkukunan ng tubig. Kasama sa mga inisiyatiba ng syudad ng Kumamoto ang pagpapalaganap ng cross-sectoral at trans-municipal na mga gawain kaugnay ng groundwater conservation, komprehensibo at multi-level na water-related disaster prevention, at tuloy-tuloy na pagpapalakas ng plano ng paglikas sa pagbaha.

“Ang mga proyektong ito ay sinusuportahan ng mga teknik ng siyensya. Naniniwala kami na sa pagsasabatas ng mga polisiya base sa pamamaraan ng agham, makakapag-ambag  tayo sa layunin ng tubig para sa likas-kayang pag-unlad sa mga susunod na henerasyon,” dagdag ng punong lungsod ng Kumamoto. 

Hinikayat rin ni Davao City Mayor Sebastian Duterte ang multilateral na pakikipagtulungan upang makamit ang likas-kayang kinabukasan ng katubigan sa Davao.

Ayon naman sa Chairperson ng HELP Davao Network at Davao City Councilor Pilar C. Braga, ang mga isyu at hamong katubigan sa Davao City ay nangangailangan ng pagtatrabaho ng bawa’t isa upang maging maalam ang pamamahala ng katubigan.

“Sana, ang Davao City at Kumamoto City ay magkasamang makapagsulong ng kapwa kapaki-pakinabang na pakikipagsama na naka-ankla sa wise water stewardship,” dagdag niya.

Ang sisterhood partnership ay kasalukuyang pinagkakatuwangan ng DOST-XI at ng HELP Davao Network. Tinatampok nito ang kahalagahan ng pandaigdigang kooperasyon sa paglutas ng mga hamong may kinalaman sa tubig.

Sabi ni DOST-XI Regional Director Dr. Anthony Sales, ang samahan na ito ay magpapataas ng lakas, karanasan, at teknolohiya ng isa’t-isa sa pamamagitan ng pagtatatag ng tiyak at matibay na suplay ng tubig sa taumbayan. 

“Kinakailangang magbuo ng malakas na pagkakaisa sa mga siyudad gaya ng Kumamoto na nagpakita ng kahusayan sa sustainable water management. Ang samahang ito ay isa sa marami pang inisiyatiba upang maatim ang seguridad ng tubig sa hinaharap,” aniya. (Impormasyon mula sa DOST-XI Information and Promotion)