MENU

Dalawang grupo ng mga mananaliksik mula sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN ang nanguna sa katatapos lang na Mindanao Cluster Regional Invention Contests and Exhibits (ClusteRICE) 2023 Sibol Category na pinarangalan sa Cagayan De Oro noong 04-05 Oktubre 2023.

Ang taunang research competition ay pinangunahan ng Department of Science and Technology – Technology Application and Promotion Institute (DOST-TAPI) alinsunod sa Batas Republika bilang 7459 o ang “Inventors and Invention Act of the Philippines”. 

Ang inisyatibong ito ay naglalayong magbigay ng plataporma upang makilala ang pagiging malikhain at pagiging makabago ng mga lokal na mananaliksik. Ito ay binubuo ng anim na kategorya: ang Tuklas Award for Outstanding Invention, Unlad Award for Outstanding Utility Model, Banghay Award for Outstanding Industrial Design, Likha Award for Outstanding Creative Research, at Sibol Award for Outstanding Student Creative Research.

Para sa Sibol Award for Outstanding High School Student Creative Research, naiuwi ng mga mananaliksik mula sa General Santos City National High School na sina Maureen Therese D. Pliego, Winjelyn R. Dayandayan, Bernardo M. Tigullo III, at kanilang tagapayo na si Pelmar B. Fernandez ang Unang Karangalan para sa kanilang research entry na “BLURS (Blind Level Usage Recognition of Sales): For Economic Impact and Productivity”.

387752934_716964010471325_3152963445962022453_n

Wagi naman ang kinatawan mula Kidapawan City National High School na sina Erikah Kim C. Tacder, Alyanna Chargaile E. Bunayog, Chentelle Mei P. Cawagas, at Gian Phillip B. Gador kasama ang kanilang mga tagapayo na sina Joesphine G. Verdeblanco at Charles Louie M. Siplao para sa kanilang “SAGIPMOKO: Emergency Search and Rescue Robot” na nag-uwi ng Ikalawang Karangalan.

387770094_716964090471317_8284718756473597571_n

Ang mga nagwagi ay ang magiging kinatawan ng Mindanao cluster sa gaganapin na National Invention Contest and Exhibits (NICE) sa taong 2024.

Sa pamumuno ni DOST-XIII Regional Director Engr Sammy P. Malawan na siyang katuwang ng DOST-TAPI sa naturang patimpalak, patuloy na pinagyayaman ang Research Culture sa rehiyon upang suportahan ang mga talento at abilidad ng mga batang mananaliksik sa SOCCSKSARGEN. (Ni Carl Miguel A. Lusuegro, DOST-STII)