MENU

C:\Users\PC-48\AppData\Local\Microsoft\Windows\INetCache\Content.MSO\B6CD60C0.tmp

Pormal nang ibinigay ng Department of Science and Technology-IX (DOST-IX) Provincial Science and Technology Office – Zamboanga Sibugay Province (PSTO-ZSP) ang tulong nitong pondo sa Nanan Multi-Purpose Cooperative (NMPC) na nagkakahalaga ng Php2,894,975.00.

Ito ay sa ilalim ng proyektong “Community Empowerment through Science & Technology for Barangay Nanan, Payao, Zamboanga Sibugay (CEST-Nanan)” sa ilalim ng programang CEST ng DOST.

C:\Users\PC-48\AppData\Local\Microsoft\Windows\INetCache\Content.MSO\E67344CE.tmp

Ang nasabing tulong ay para sa pag-upgrade ng pasilidad ng NMPC para sa pagproseso ng tsokolate o tablea. Layon nitong palakihin ng hanggang 200% ang kapasidad ng produksyon na tutugon sa demand ng merkado.

Kasabay ng pinansyal na tulong ay nagbigay rin ang DOST ng Science and Technology Academic and Research-Based Openly Operated Kiosks (STARBOOKS) na naglalaman ng mga learning at instructional materials sa Nanan National High School at Nanan Elementary School.

Dagdag pa rito, kasama rin sa implementasyon ng proyekto ang pagbibigay ng oryentasyon sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM). Ang naturang oryentasyon ay isasagawa ng Office of the Civil Defense upang mabigyan ng kaalaman ang mga residente sa epektibong pag-agap, pagresponde, at pagrekober mula sa iba’t ibang klase ng disaster o kalamidad.

Ang CEST ay isa sa mga pangunahing programa ng DOST na naglalayong makapaghatid ng sustainable development sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa sa pamamagitan ng S&T interventions mula sa limang CEST entry points na livelihood o kabuhayan, health and nutrition o kalusugan at nutrisyon, environmental protection and conservation o pag-iingat sa kapaligiran, education o edukasyon, at DRRM o pagtugon sa sakuna. (Ni Carl Miguel Lusuegro, DOST-STII)