MENU

Isa sa mga kinagigiliwan ngayon sa social media ang #flowername. Gamit ang isang custom keyboard na gawa sa isang mobile video editing app, maaari mong gawan ng isang virtual flower bouquet ang iyong sarili o mga minamahal sa buhay, maging ang iyong alagang aso o pusa, may okasyon man o wala.

Sadyang nakawiwili ang pagbuo ng isang bungkos ng iba't-ibang klase ng bulaklak dahil nagrerepresenta ito sa bawat letra ng pangalan na iyong itinipa sa keyboard. Pupwede itong maging wallpaper sa telepono, o di kaya'y i-print sa canvas bag na iyong bibitbitin tuwing magpupunta sa mga coffee shops.

                                                                                                                          DOST-and-PhilHealth-aim-to-make-health-benefit-packages-and-services-more-accessible-to-Pinoys-Talakayang-HeaRT-Beat-on-PhilHealth-STUDIES-scaled.jpgDOST-and-PhilHealth-aim-to-make-health-benefit-packages-and-services-more-accessible-to-Pinoys-Talakayang-HeaRT-Beat-on-PhilHealth-STUDIES-scaled.jpg

Sa pamamagitan ng pag-type sa custom keyboard ay makabubuo ng isang bungkos ng bulaklak na maaring pang regalo o simpleng wallpaper sa iyong telepono. (Larawan mula sa TikTok app)

Bilang halaman ang usapan, ilan sa plant hormones tulad ng auxins, gibberalins, at cytokinis ay may kinalaman sa paglago ng halaman. Nakatutulong ang mga hormones na ito sa pag-uugat, pagsibol ng buto, maging sa pamumulaklak at pamumunga ng mga halaman na ating kinakain.

Sa isang pag-aaral na inilathala sa Philippine Journal of Science (PJS), tinukoy ang epekto ng plant-growth regulators (PGRs) na gawa sa plant-growth promoting bacteria (PGPBs) sa propagasyon at paglago ng mga halaman gaya ng kape, talong, at halamang ornamental na Bougainvillea (B. spectabilis) at Aster (Aster ericoides L.). 

Ayon sa datos ng moderncoffee, isang website na mabusising nangangalap ng impormasyon sa kape, ang bawat Pilipino ay umiinom ng dalawa’t kalahati (2.5) tasa ng kape kada araw noong 2023. Ngunit nasa ika-24 na puwesto lamang ang Pilipinas pagdating sa produksyon ng kape na mas mababa kumpara sa Indonesia, Vietnam, at Brazil na nasa top five.

Napakahalagang maatim ang tamang sukat, kulay, at kabuang kalidad ng mga championing crops o high-value crops ng Pilipinas gaya ng kape at gulay gaya ng talong upang mapataas ang export value nito at mapataas ang demand sa ibang bansa.

Kinuha ang indole-3-acetic acid (IAA) and gibberellic acid (GA) mula sa PGPB Bacillus sp. at prinoseso upang maging nano-formula na mas madaling na-aabsorb ng mga halamang isinailalim sa obserbasyon.

Ayon sa resulta, ang 3 at 10 ppm nanoformulated IAA (Nano-IAA) ay nakaapekto sa mataas na survival rate ng cuttings ng kapeng robusta kumpara sa ibinebentang auxin hormone sa merkado. Bukod dito, naitala ang 93.33% na pagtubo ng mga buto ng talong (Lightning F1 variety) sa acidic na lupa gamit ang 10-ppm nanoformulated IAA

Picture3

Larawang mula sa Philippine Journal of Science (Fernando, L et.al 2024)

Samantala, 100% o lahat ng marcotted Bougainvillea na may 10 ppm Nano-IAA at Talcum powder ay umusbong ang mga ugat kumpara sa mga halaman na sinustentuhan lamang ng tubig (negative control). Ngunit, maikukumpara ang resultang ito sa epekto ng commercially available na auxins

Natuklasan rin na mas epektibo ang nanoformulated na GA upang maabot ang tamang taas at bigat ng halamang Aster (White Holland variety). 

Picture4

Larawang mula sa Philippine Journal of Science (Fernando, L et.al 2024)

 Batay sa resulta ng pag-aaral, napatunayan na epektibo ang nanoformulated plant growth regulators (PGRs) bilang alternatibo sa synthetic at imported na IAA at GA na ginagamit sa propagasyon ng mga pananim.

Dahil sa magandang resulta ng pag-aaral na may kinalaman sa nanoformulas, sinuportahan ng Department of Science and Technology–Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) ang produksyon ng nanoformulated PGRs upang mapalaganap ang paggamit nito sa mga magsasaka na ibig na mapababa ang kanilang gastos sa produksyon at makapagpapataas sa kanilang tiyansa na makapasok sa hardin ng mga oportunidad ng pag-eexport.