MENU

A group of people in a kitchen

Description automatically generated

 

Inaasahan na ngayong taon ang pagbubukas ng kauna-unahang Halal Kitchen sa bansa na naglalayong magbigay ng iba’t-ibang serbisyo sa pagsasanay, lalo na para sa mga mag-aaral ng Philippine Women’s College o PWC.

Ayon kay Dr. Aristotle P. Carandang, dean ng PWC, magiging operasyonal na ngayong taon ang pasilidad na nasa loob mismo ng paaralan.

“This year, I’m happy because this is going to be operational. We’re just going to do some government registration work and naka-line-up na ngayon ang training for trainers,” pahayag ni Dean Aristotle Carandang.

Ang proyektong ito ay isa sa mga inisyatibo ng Department of Science of Science Technology (DOST) Regional Office No.11 o DOST-XI, sa pakikipagtulungan sa paaralan ng PWC, na naglalayong magbigay ng serbisyo sa pagbibigay ng dagdag na kaalaman sa industriya ng halal hindi lamang sa Mindanao, kundi maging sa buong bansa.

Ayon kay DOST-XI Assistant Regional Director Mayan Jane J. Inni, ang Halal Kitchen na ito ay ang kauna-unahang pasilidad na bubuksan sa Mindanao na pinondohan ng DOST-XI at ng DOST-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD).

It’s a partnership of DOST with PWC, although the DOST kasi, we have past initiatives for Halal. We have built the Halal Verification Laboratory; we also have the R&D component wherein we partner with different HEIs and SUCs in the conduct of research. But what we have learned na gap pa rin is to promote tourism and Halal altogether,” pahayag ni Mayan Jane J. Inni, Assistant Regional Director ng DOST-XI.

Ayon kay Carandang, ang usaping halal ay hindi lamang para sa mga pagkain kundi maging sa turismo at iba pang sektor. Ito rin ay may potensyal na pataasin ang ekonomiya ng bansa.

Dagdag naman ni Inni, ang naturang Halal Kitchen ay magsisilbing demonstration site para sa pagbibigay ng pagsasanay upang mas marami pa ang tumangkilik sa industriya ng halal.  

Definitely, it will cater to the rest of the Philippines. But as to whether it’s the first in the Philippines, I think it’s the first [in the Philippines]. First Halal Kitchen. Because the DOST is pioneering efforts to promote and provide answers to the problems of Halal sectors,” aniya.

Ang inisyatibong ito ng DOST-XI ay nagsimula sa paglulunsad ng mga research and development program at pagtatayo ng mga laboratory, at ngayon naman ay pagbibigay ng serbisyo sa publikong nagnanais tumangkilik nito.

Kasabay ng Science Journo Ako sa Davao City noong ika-11 ng Hulyo 2024 sa Davao City ay ang pagbisita ng mga mag-aaral sa pasilidad bilang parte ng kanilang workshop. (Ni Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII)