MENU

IMG_256

Matagumpay na idinaos ang Launchlab Summit noong ika-24 ng Setyembre 2024 sa Learning Resource and Activity Center o LRAC sa Cebu Institute of Technology-University o CIT-U. Ito ay inorganisa ng CIT-U Wildcat Innovation Lab at ng Development and Acceleration Support for Innovation Growth (DASIG) Consortium, sa ilalim ng isang programang suportado ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development o DOST-PCIEERD.

Ibinida sa naturang summit ang anim sa kaabang-abang na startups mula sa unang pangkat ng LaunchLab Pre-Acceleration Program na kinabibilangan ng ARKA, ZAIGE, ALAGAD, FEMENOVA, GETFOOD, at REALTO PH.

Ipinakita at ibinahagi ng mga startups ang kanilang mga produkto at pinagdaanan pagkatapos makatanggap ng personalized mentorship mula sa programa.

Sinundan naman ang mga presentasyon ng isang diskusyon sa mga programang susuporta sa mga startups sa pangunguna ni DASIG Convenor Janice Forster.

Dito ay ibinida nina Dr. Tristan L. Abando, assistant regional director ng DOST-VII; Nanette Arbon, Regional Director ng DTI 7; at Rik Amores, Regional Director ng DICT Region 7 ang mga inisyatibo sa kani-kanilang ahensya na tutugon sa mga problemang kinakaharap ng mga startups sa rehiyon tulad ng access to capital, markets, at resources.

Ang DASIG Consortium ay grupo ng mga startup enablers na pinangungunahan ng mga DOST-supported technology business incubators o TBIs kagaya ng Siliman University Sinergy TBI, CIT-u Wildcat Innovation LAB, at UP CEBU inIT. Ito ay suportado ng DOST-PCIEERD at ng DOST-VII.

Ang pagtitipon ay nakapagbigay ng plataporma sa mga startups na makipag-ugnayan sa mga potensyal na investors at stakeholders na mahalaga upang maipagpatuloy ang pag-unlad at makakuha ng market traction.

Ipinakita ng pagdiriwang ang commitment ng DASIG na makabuo ng mas malakas na ecosystem ng startups sa rehiyon  na makakatulong sa inobasyon at kolaborasyon ng mga local na negosyante. (Ni Carl Miguel A. Lusuegro, DOST-STII)