MENU

Lumahok sa pagsasanay ng siyensyang pangkomunikasyon o science communication ang mga mag-aaral ng kursong Biology, mula sa iba’t-ibang paaralan sa Cebu City noong ika-14 hanggang 15 ng Oktubre 2024.

Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng programang Science Journo Ako na inisyatibo ng Department of Science and Technology-Science and Technology Information Institute (DOST-STII).

Aabot sa higit 40 ang mga magaaral na lumahok mula sa University of the Philippines-Cebu, University of San Jose-Recoletos, Cebu Doctor’s University, Cebu Technological University, Cebu Normal University, Southwestern University-PHINMA, Cebu Institute of Technology Students, University of San Carlos, at University of Visayas.

Ang mga paaralang ito ay miyembro ng Cebu Association of Biology Students (CABS) Inc. na siyang naging katuwang ng DOST-STII sa pagsagawa ng pagsasanay.

“The ability to communicate science effectively has never been more important. Together we will explore how we can leverage the full spectrum of social media tools not only to share our findings but to inspire, educate, and spark curiosity in people from all walks of life”, ani Miguelito Reulan, gurong-tagapayo ng CABS Inc.

Sa ilalim ng pagsasanay na ito, ang mga kalahok ay nabigyan ng pagkakataong matuto ng mga pangunahing kaalaman sa pagsulat ng balita at lathalain o News and Feature Writing

Sila rin ay nagkaroon ng pagsasanay sa pagkuha ng larawan at mga pangunahing kaalaman sa paglikha ng mga social media contents.

Isa lamang ang CABS Inc. sa mga institusyong nakikipagtulungan sa DOST-STII upang mas palawigin pa ang kasanayan at kaalaman ng mga magaaral sa pagsulat at paglikha ng mga kwentong pang agham.

Picture4

Picture4

Mga kalahok sa Science Journo Ako, kasama ang mga ekspertong tagapagsalita at mga kawani ng DOST-STII, sa unang araw ng pagsaanay noong Oktubre 14, 2024 na ginanap sa Golden Prince Hotel and Suites, Cebu City. (Mga larawan mula kay Rachel M. Rieza, DOST-STII)

(Ni Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII  )