MENU

 

balita nstw 4

Ilan sa mga dumalo sa pagbubukas ng 2024 National Science and Technology Week (NSTW) ng Department of Science and Technology sa Limketkai Center, Cagayan de Oro City kasama sina Ina at Ino, ang mga official mascot ng NSTW. Nagbukas noong 27 Nobyembre 2024, tatagal ang pagdiriwang hanggang ika-1 ng Disyembre 2024. (Larawan mula sa DOST-X)

Mahigit 100 teknolohiya, 30 technical fora, pitching sessions, at career talks ang kasakuluyang mabibisita at madadaluhan ng tinatayang aabot sa 10,000 katao sa nagbukas na 2024 National Science and Technology Week (NSTW) na pinangungunahan ng Department of Science and Technology (DOST) sa Limketkai Center, Cagayan de Oro noong ika-27 Nobyembre 2024.

Para sa pagdiriwang ngayong taon, ito ay may temang “Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan" na may sub-theme na "Providing Solutions and Opening Opportunities in the Green Economy." 

Layunin ng mga teknolohiya at aktibidades na tugunan ang hamon sa pagbabago ng klima o climate change, agrikultura, at pangangalaga ng kalikasan or environment conservation sa pamamagigitan ng napapanahon at angkop na solusyon para sa likas-kayang pag-unlad ng bansa.

As we celebrate the 2024 National Science, Technology, and Innovation Week, we shine a light on green initiatives, groundbreaking technologies, and our collective vision for a smarter, more sustainable Philippines,” ani DOST Secretary Renato U. Solidum Jr. 

[Sa pagdiriwang natin ng 2024 National Scence, Technology, and Innovation Week, binibigyang-liwanag natin ang inisyatibang pangkalikasan, mga makabagong teknolohiya, at ang sama-samang pananaw para sa mas matalino, mas likas-kayang Pilipinas.]

Dagdag niya, binibigyang-diin ang likas-kaya o “sustainability,” na isa sa mga apat na haliging sinasaligan ng mga inisyatibo ng Departamento, upang palakasin ang pananaliksik at pag-unlad para sa pangangalaga at konserbasyon ng kapaligiran.

“We believe that strengthening initiatives on sustainability, with central importance on the environment and natural resources, will cut across the other pillars – stimulating wealth creation, reinforcing wealth protection, and ultimately promoting human well-being,” aniya.

[Naniniwala kami na ang pagpapalakas ng mga inisyatibo sa likas-kaya, na nagbibigay-importansya sa kapaligiran at likas-yaman, ay makakaapekto sa iba pang haligi ng Departamento––ang pagpapasigla ng paggawa ng yaman, pagpapatibay ng pagprotekta sa yaman, at higit sa lahat, ang pagsusulong ng kapakanan ng tao.]

Bukas ang pagdiriwang hanggang ika-1 ng Disyembre 2024.

(Ni Rosemarie C. Señora, DOST-STII