MENU

 

 

IMG_256

Maaari nang magsumite ang mga interesadong innovator at imbentor  in kanilang mga ideya at imbensyon sa 2025 Regional Invention Contests and Exhibit by Cluster or ClusterICE.

Ang RICE ay isinasagawa upang kilalanin ang kahalagahan ng mga Pilipinong imbentor sa lipunan at sa pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng patimpalak. 

Ngayong taon, bukas ang naturang timpalak na pinangungunahan ng Department of Science and Technology - Technology Application and Promotion Institute (DOST-TAPI) para sa mga imbentor at mananaliksik na nasa publiko at pribadong sektor na nabibilang sa mga sumusunod na rehiyon kada cluster:

  • National Capital Region (para sa mga syudad at munisipalidad sa NCR);
  • Southern Luzon (para sa mga rehiyong IV-A, IV-B, at V);
  • Northern Luzon (para sa mga rehiyong I, II, III, at CAR);
  • Visayas (para samga rehiyong VI, VII, VIII); at
  • Mindanao (para sa mga rehiyong IX, X, XI, XII, at XIII).

May limang kategorya ang patimpalak: Outstanding Invention o Tuklas Award, Outstanding Industrial Award o Banghay Award, Outstanding Student Creative Research for High School and College Students o Sibol Award, Outstanding Utility Model o Unlad Award, at ang Outstanding Creative Research o Likha Award na bukas para sa mga high school at college students.

Ang RICE ay nagsisilbing qualifying round para sa National Invention Contest, alinsunod sa Seksyon 4 ng Republic Act No. 7459 na kilala rin bilang “Inventors and Invention Incentives Act of the Philippines.”

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang Facebook page ng DOST-TAPI o i-scan ang mga QR codes na nasa ibabang larawan. (Ni Rosemarie C. Señora, DOST-STII )