MENU

A group of people working on laptops

Description automatically generated

Isang grupo ng mga mananaliksik at eksperto mula sa Department of Science and Technology-Industrial Technology and Development Institute (DOST-ITDI) ang sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay para pagbutihin pa ang kanilang mga kasanayan sa komunikasyon.

Sa pamamagitan ng Science Journo Ako advocacy program na hatid ng DOST-Science and Technology Information Institute (DOST-STII), nasa 50 na information officers ang sumailalim sa science communication training noong Marso 5-6, 2025, sa KM-STICA Hall sa Bicutan, Taguig City.

Ang pagsasanay ay naglalayong bigyan ng kakayahan ang mga kalahok sa paggawa ng mga komprehensibong kwento upang ibahagi ang kanilang mga programa sa pnanaliksik at pagpapaunlad o research and development at isulong ang mga teknolohiyang binuo ng bawat dibisyon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni DOST-ITDI Deputy Director Dr. Janet F. Quizon na ang kanilang ahensya ay nakatuon sa pagsusulong at pagpapahusay ng kakayahan ng mga empleyado nito upang makasabay sa mabilis na pag-usbong ng sektor ng teknolohiya, lalo na sa komunikasyon.

I am confident this initiative will empower our communicators with the essential knowledge and skills to write compelling science stories, news articles, and press releases that can connect to our target audience,” saad ni Quizon.

Sa unang araw ng pagsasanay, natutunan ng mga kalahok ang mga pangunahing prinsipyo ng pagsulat ng balita at lathalain o Science News and Feature Writing sa pamamagitan ng module na Communicating Science through News and Feature Writing at ang Basic Photography at Photojournalism.

Upang higit pang maitatag ang pundasyon sa kanilang mga pangunahing kaalaman, ang mga kalahok ay nakakuha din ng mga pananaw sa Gabay sa Estilo ng Editoryal o Editorial Style Guide na sinusunod ng DOST-STII sa paglilimbag ng mga kwentong pang-agham. Ipinakilala rin sa kanila ang kahalagahan ng paggawa ng sarili nilang Plano sa Komunikasyon.

Ang DOST-ITDI ay isa sa mga research and development institute ng DOST at inaatasan na magsagawa ng multidisciplinary industrial R&D, mga teknikal na serbisyo, at pagsasalin ng kaalaman at technology transfer.

Bawat isa sa labing-isang (11) dibisyon ng ahensya ay may kinatawan na lumahok sa pagsasanay. Kabilang dito ang Chemicals and Energy Division, Environment and Biotechnology Division, Food Processing Division, Material Science Division, Packaging Technology Division, National Metrology Division, Standards and Testing Division, Technical Services Division, at maging ang Administrative Division. (Ni Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII )