MENU

Bagong pag-asa ang dala ng Department of Science and Technology (DOST) para samgakababayannatingnawalan ng trabahodahilsapagsasara ng maramingkompanyadulot ng COVID-19 sapamamagitan ng pagbibigay ng kabuhayanna may kinalamansapaggamit ng makina, pagsasanay, at iba pang gawaing pang-agrikultura.

 Tulong para sa seaweed farmers

Nabigyan ng seaweed dryers o mga makinang makatutulong sa pagpapatuyo ng seaweed ang mga seaweed farmer na nakatira sa ilang pamayanan sa baybaying muninsipalidad ng Dumalinao at siyudad ng Pagadian sa Zamboanga del Sur (ZDS) saRehiyon IX.

Ang grant na nagkakahalaga ng P700,000 ay ipinagkaloobsaBomba at Baroy Seaweeds Farm Association mula sa mga lugar na nabanggit sa ilalim ng proyektong tinatawag na “Province-Wide Technology Adoption of DOST-Funded Greenhouse Permanent / Floating Type Seaweed Dryer with Foldable Siding for the Seaweed Farmers”.

Ang naturangproyekto ay kasalukuyangisinasagawa ng Provincial S&T Center (PSTC ng Zamboanga del Sur sapakikipagtulungansalalawigan ng ZDS napinangungunahanni Gob. Victor J. Yu at ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) – Center of Agri-Fisheries and Biosystems Mechanization.

Tinatayang 150 na seaweed farmer ang makakagamit ng mgaibinigayna seaweed dryer upangmakagawa ng tinuyong agar-agar seaweed na may mas magandangkalidad at maibebentasahigitnamataasnahalaga.

 Urban gardening tech para sa piling komunidad sa NCR

Tatlong barangay na manmula sa National Capital Region ang hinandugan ng DOST-NCR at ng DOST-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) ng mga kagamitan para sa pagtatanim ng gulay.

Sa ilalim ng proyektong “GulayansaPamayanan”, nakatanggap ang Barangay CAA sa Las Piñas City; Barangay BF Homes, Phase 3 saParañaque; at ang Barangay 412 sa Sampaloc, Manila ng teknolohiya para sa urban gardening tulad ng Enriched Potting Preparation (EPP) at ang Simple Nutrient Addition Program o SNAP Hydroponics namakapagbibigay ng karagdagangkabuhayan.

Samantala, labingwalong micro, small, and medium enterprises o MSMEs na may kinalaman sa negosyong pagkain ang lumahoksa webinar napinamagatang “Food Trends and Opportunities during the Current Pandemic”. Ito ay makatutulongsamgaretailer at manufacturer namakasabay sa ‘new normal’ sapamamagitan ng pagpapaunlad ng kanilangoperasyon at pagharapsamakabagongmgahamondulot ng pandemya.

Aprubadonaang aplikasyonng 70 OFWs nanaismagnegosyosabansa

May 70 sa 118 naaplikanteng Overseas Filipino Workers (OFW) na nais makapagnegosyo sa larangan ng food processing at paggawa ng produktong pang-agrikultura ang aprubadona ang aplikasyonsailalim ng iFWD PH o Innovations for Filipinos Working Distantly from the Philippines Project ng DOST. Sumailalim na sila sa oryentasyon noong ika-20 ng Agosto 2020 at sa salinamansilasa Technology Pitching Session na itinalagang gawin sa ika-24 ng Agosto 2020. (By Rosemarie C. Señora,DOST-STII)