- Details
Upang makatulong sa paghahanda sa panahon ng tag-ulan, nagkabit ng Rainfall and Water Level Monitoring System ang Department of Science and Technology (DOST) 1 sa Balolong Bridge, Mapandan noong ika-19 ng Abril 2023.
Read more: Sistema upang mamonitor ang dami ng ulan at lebel ng tubig, bigay ng DOST sa Mapandan
- Details
Ang Looc Fish Sanctuary na matatagpuan sa Looc, Romblon ay isa sa mga ipinagmamalaking turismo sa probinsya. Kinikilala ito para sa mayamang biodiversity - na pumoprotekta sa mahigit 100 uri ng isda, iba pang lamang dagat, at kanilang ecosystem. Dahil dito, nakilala ang lugar para sa kanilang floating kiosk at iba pang aktibidad sa tubig tulad ng diving, snorkeling, at boating. Sa kabilang banda, dulot naman nito ang banta ng polusyon mula sa dami ng bumibisita rito taon-taon na umaabot ng 1,300 turista kada buwan at tumataas pa sa buwan ng Abril at Mayo.
Read more: Proyektong MEDDOW, hangad ay likas-kayang turismo para sa Romblon
- Details
Isang milyong pondo ang natanggap ng University of Mindanao (UM) Digos mula sa Department of Science and Technology-Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology, Research and Development (DOST-PCIEERD) para sa implementasyon ng Provincial Workfoce Enabling System thru Scholarship o proyektong ProWESS.
Read more: P1 milyon mula sa DOST, natanggap ng UM Digos para sa proyektong PROWESS