MENU

ZAMBO.png

Apatnapu't tatlo sa 75 o 57.33 porsyento ng mga lokal na pamahalaan sa Zamboanga Peninsula ang opisyal na lumagda ng kasunduan kasama ng Department of Science and Technology (DOST) upang higit na mapalakas ang paghahanda laban sa mga sakuna at kalamidad sa kani-kanilang mga komunidad.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa ugali ng mga lamok na nagdadala ng dengue, isang Balik Scientist ng Department of Science and Technology (DOST) ang bumubuo ng mga inobasyon upang matukoy at ma-forecast ang mga posibleng pagtaas ng kaso ng dengue.

Layunin ng kanyang pananaliksik na bigyan ng kakayahan ang mga komunidad at awtoridad pangkalusugan na kumilos nang mas mabilis, mas matalino, at mas epektibo laban sa isa sa mga pinakamatinding banta sa kalusugan ng publiko sa bansa.

OURD.png

Sa John Gokongwei Innovation Center, De La Salle University (DLSU) – Laguna, ibinahagi ni DOST Balik Scientist at Institute of Biological Control Director Dr. Thaddeus “Tadz” M. Carvajal kung paanong ang pag-unawa sa mga nakagawiang kilos ng lamok ay susi sa mas mabilis at mahusay na pagtugon laban sa dengue, at sa pagbuo ng mas matatag na depensa laban sa nakamamatay na sakit na ito.

Forty-three out of 75, or 57.33 percent, of the local government units (LGUs) in the Zamboanga Peninsula region have officially adopted a hazard assessment system to further boost disaster preparedness and emergency response in their communities.