MENU

 Ang pakikipagtulungan sa mga lokal na industriya at institusyon ay susi upang mapataas ang posibilidad na mapakinabangan ng mas maraming mamamayang Filipino ang mga teknolohiya at pag-aaral na isinasagawa at sinusuportahan ng Department of Science and Technology o DOST.

Lumagda ng isang kasunduan o memorandum of understanding (MOU) ang Department of Science and Technology- Science and Technology Information Institute (DOST-STII), kasama ang mga katuwang nitong institusyon upang palawigin pa ang kasunduan sa pagbibigay ng mga kasanayan sa larangan ng komunikasyong pang-agham.

 

Nasungkit ng pambato ng Carmona National High School na si Jan Patrick B. Gelasan ang titulo bilang kampeon sa 2024 STARBOOKS Whiz Bee na ginanap sa National Youth Science, Technology, and Innovation Festival (NYSTIF) na ipinagdiwang sa Philippine International Convention Center (PICC) noong ika-19 ng Setyembre 2024.